Nitong mga nakaraang gabi, dumadalas ang aking mga panaginip. Kung anu-ano ang aking mga napapaniginipan. Mayroong ikinakasal raw ako ng sapilitan, may pagkakataong nasa military service raw ako, at kagabi nga, nakikipag-basag-ulo daw ako sa mga inupahang mamamatay-tao ng isang kaaway.
Naniniwala ako na malaki ang bahaging ginagampanan ng panaginip sa ating buhay. Ang mga bagay-bagay at saloobing hindi natin mailabas sa katotohanan ay sa panaginip nagkakaroon ng pagkakataong kumawala. Sabi nga ng isang dream anayst na nakausap ko, ang bayolente kong karakter sa panaginip ay ang mga sama ng loob kong hindi ko mailabas-labas kapag ako ay nasa kamalayan.
Sa mga pagkakataong ako’y nananaginip, nais kong maibahagi ito sa mga taong naging bahagi ng aking buhay-pagtulog kahit sa konting sandali. Layon kong maiparating sa kanila ang detalye, at mabigyan ng babala, kung sakali man, sa kung anumang panganib ang nakatakdang dumating. Nakasasama lang ng loob na may mga taong naiiba ang interpretasyon sa aking mga mensahe. Wala akong makitang dahilan upang magkaroon ng inseguridad ang ilang indibidwal kung ibahagi ko man ito sa mga taong malalapit sa kanila, lalo pa nga’t kasal na sila. Totoong naging bahagi ng aking buhay, matagal na panahon na ang nakararaan, ang taong aking napanaginipan, subalit nais ko lamang linawin na wala akong balak agawin ang sinuman, o sirain ang isang relasyon, o bigyan ng problema ang mag-asawa para sa hindi ko mawaring kapakinabangan. Masama ang loob ko dahil ito pala ang iniisip ng taong naging mahalaga rin sa akin sa loob ng ilang taon.
Wala kamaing masamang tinapay. Wala akong atraso sa kanya at sa pamilya nya. Nais ko lang naman maging magkaibigan ulit kami, “for old time’s sake,” ika nga, makilala ang kanyang naging kabiyak, maging ninong sa kanilang magiging anak, kung sakali man. Dahil silang mga naging mahalaga sa akin, sa ilang bahagi ng aking buhay, ay itinuturing kong kaibigan sa habambuhay.
Pipilitin kong unawain ang sitwasyong kinatatayuan nya ngayon. Sana nga ay maging masaya siya at sa pagkakataong ito, pinagsisihan ko na nagkaroon pa ulit kami ng komunikasyon, dahil kung ayaw na pala niyang magambala, sana sa alaala ko na lang siya namalagi at hindi na sumama ang loob ko.
huwow, wordpress… blogspot ako eh. haha.
hmm… maayos din yan. iba talaga mga pagbabago kapag kasal na.
kami nga ng bf kong di pa kasal ang dami ng pagbabago eh. haha. iba na pala boyps ko ngayon ser… hindi na ung dati mong alam. hehe.